09/24/12 May kwento ako sa’yo.

Nung Saturday kasi MACIPRISA. Tapos lalaban ako ng Math. Magaling eh. Haha. Habang nagdedeliberation yung mga coaches namin, kaming mga contestants nandun sa class room, nakatunganga. 🙂 As usual, I’m so observant. Tinitingnan ko yung mga ibang contestants at napansin ko na may 2 types of guy contestants: yung matatangkad & malulusog and yung payat & nakasalamin. Kaming mga girls din may two types: yung malulusog na tulad ko at yung mga slim.

Tapos yung isang guy kakaiba. Cute eh. Hahaha! Siya pala yung representative nung host school. HAHA! Medyo ka-height ko at naka-braces.(Kung ikaw ‘to, lagot ako. HAHA.) Sa pagkakatanda ko pa nga, blue-green yung rubber nung brackets eh. Since magpapakabit ako ng brackets sa darating na sembreak, pinag-iisipan ko tuloy ngayon yung blue-green. Hahaha.

Naka-checkered polo pa nga.So, ayun. Natapos ang deliberation at nagsimula ang laban. Nakakasagot-sagot din siya, parang ako lang. =) [time skip] Tapos na yung 15 questions. Na-tabulate na yung scores. At, anak ng meant to be! Akalain mo yun! Magka-tie kami. Nalungkot pa ko nung una. I was thinking, “Ano ba ‘yan?! Second na ko. Wala nang mga tie-breaker questions na ‘yan!”

Then, nakita ko na siya pala yung ka-tie ko. And I was like, “Ah, okay lang. Siya naman pala.” :”> Pero syempre ginalingan ko pa rin. Mas magaling nga talaga ako sa kanya? Or nagkataon lang? Well, second palce ako at siya ang naging third place. Intimidating pa naman ang dating ko sa mga taong di ko kilala. At eto pa ang masaklap, hindi ko natandaan yung pangalan! Hay. Sayang. We could’ve been great friends. Haha. Friends daw oh! Hinde. Totoo. Parang masarap siyang maging kaibigan. 😀 He’s one of my biggest What if ‘s.

-ljdaluz

P.S. Kung sa tingin mo ikaw ‘to or kilala mo ang tao na ‘to, magsabi ka lang. Malay mo. 🙂 But I’m keeping my fingers crossed na never ‘tong mabasa ng taong yun. 😀

Advertisements

2 thoughts on “09/24/12 May kwento ako sa’yo.

Well, what can you say? :)

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s